-- Advertisements --
Ibinahagi ng singer na si Lea Salonga ang pagiging fans na nito ng Korean group na BTS.
Sinabi ng Tony award winning singer na nagiging rituwal na niya ang pakikinig sa kanta ng grupo bago ito sumabak sa stage.
Nagsimula niya pakinggan ang grupo noong panahon ng pandemic kung saan nagdala ito sa kaniya ng kasiyahan.
Hindi rin nito pinalampas ang panonood ng kanilang online concert noong nakaraang mga linggo kung saan tiniyak niya na lahat ng mga gawain niya ay natapos na .














