-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng singer na si Lea Salonga ang pagkakaroon niya ng star sa Hollywood Walk of Fame.

Dahil dito ay siya lamang ang unang Pinay na nabigyan ng nasabing pagkilala.

Matapos na makasama siya sa 2026 class of honorees ay isinagawa agad ang ceremony sa 6225 Hollywood Boulevard.

Siya na ngayon ang pang-2,855th na recipient ng star.

Maraming mga fans nito ang dumalo sa unveiling ng star na kinabibilangan ito nina Ming-na Wen, Brandy, at si Filipino-American artists Darren Criss at H.E.R.

Sinabi nito na hindi siya makapaniwala na mayroon na itong star.

Inalala niya noon na naglalakad siya at tinitignan ang mga sikat na mga pangalan na mayroon ng star.

Pinasalamatan ng singer ang kaniyang mga fans maging ang mga Pinoy sa buong mundo dahil sa pagtitiwala sa kaniyang galing.