-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Sam Neil sa edad na 78.

Kinumpirma ng kaniyang pamilya ang pagpanaw ng aktor dahil sa rare at agresibong uri ng blood cancer.

Dagdag pa ng pamilya nito na namayapa ang aktor sa kaniyang bahay sa Sydney, Australia.

Ang legendary aktor ay nakilala sa mga pelikula gaya ng “Jurassic Park” at “Peaky Blinders”.

Humingi ng privacy ang mga kaanak nito at bigyan sila ng panahon para makapag-nilay-nilay.

Isinilang sa Northern Ireland ang aktor bago lumipat sila sa South Island sa New Zealand sa edad na 7.

Nagkamit ito ng mga awards sa kaniyang career kabilang ang Officer of Order of British Empire noong 1991 at knighthood mula sa New Zealand noong 2022.