-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actor na si James Handy sa edad na 81.
Ayon sa mga otoridad, na nasawi ang aktor matapos na ito ay pagsasaksakin sa kaniyang bahan sa Tanzana.
Naaresto ng mga otoridad ang suspek na ito ay anak ng kaniyang kasintahan na si Michael Gledhill.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit ito ay nasawi rin matapos ang ilang oras.
Base sa imbestigasyon, tumawag pa ang suspek sa 911 kung saan pagdating ng mga rumesponde ay boluntaryo itong sumuko sa mga kapulisan.
Nakilala ang aktor sa ilang pelikula gaya ng “Top Gun: Maverick” ,” Jumanji” at “Arachnophobia”.
Mayroon itong mahigit na 100 na mga pelikula kung saan umabot sa mahigit limang dekada ang kaniyang acting career.
















