-- Advertisements --

Mainit na pinag-uusapan pa rin sa pageant world ang palaging pagpasok ng Philippines sa mga laban.

Kaya malaking hamon ito sa pambato ng Pilipinas na si Andrei Clark Sabanal, ang kasalukuyang Mister Universe Philippines 2026.

Matapos niyang koronahan bilang Mister Bataan 2026, mabilis siyang umangat sa spotlight at ngayon ay sasabak na sa Mister Universe 2026 na gaganapin sa Universal Studios, Hollywood, California mula Setyembre 20–27, 2026.

Sa panayam ng Star FM Cebu, sinabi ni Andrei na nakatutok siya sa advocacy para sa kabataan at kalusugan na kaniyang dadalhin sa universal level.

Ayon sa kaniyang kwento sa Bombo Radyo, puspusan ang kaniyang paghahanda, mula sa training, public speaking, hanggang sa fashion styling, upang masigurong standout siya sa international stage.

Malakas ang suporta ng mga Pinoy fans at marami ang umaasang makakapasok siya sa Top ng kompetisyon.

Kung magtatagumpay, magiging isa na naman itong malaking karangalan para sa Pilipinas sa larangan ng male pageantry.

Sa Hollywood finals, makikipagtagisan si Andrei laban sa mga delegado mula sa iba’t ibang bansa, at inaasahang magiging isa sa mga highlight ng event ang kanyang performance.