-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actress na si Daveigh Chase sa edad 35.
Kinumpirma ng kaniyang nobyong si Roy Hernandez ang pagpanaw ng aktress dahil sa meningitis, isang uri ng infection sa dugo.
Ilang linggo itong nanatili sa pagamutan sa Los Angeles kung saan dahil sa nasabing sakit ay nagdulot ito sa kaniya ng septic issues na nagtapos sa kaniyang pagbagsak ng katawan.
Nakilala siya sa likod ng boses ng Disney film na “Lilo & Stitch” noong 2002 at sa TV show na “Spirited Away”.
Taong 2002 ay naging kontrabida ito sa horror film na “The Ring” at nakamit niya ang MTV Movie Award para sa Best Villain.
















