-- Advertisements --

Ibinahagi ng Hollywood actress na si Sandra Bullock ang mga hamon na kaniyang pinagdaranan sa buhay.

Una dito ay ang pagpanaw ng kaniyang partner na si Bryan Randall noong 2023 sa edad na 57.

Kasama na ang paglaban nito sa neurodegenerative disease ALS.

Ang Amyotrophic lateral sclerosis o kilala bilang ALS ay nakakaapekto ng nerve cells sa utak at spinal cord.

Ang mga taong dinadapuan ng ALS ay nawawalan ng kontrol sa paggalaw ng kanilang muscle at nawawalan silang abilidad na kumain, magsalita, kumain , maglakad at huminga.

Hindi naman na nagbigay ng malinaw na detalye ang aktres sa sanhi ng kamatayan ng kaniyang partner.