-- Advertisements --

Kinumpirma na ng International Criminal Court Trial Chamber III na malusog para humarap sa pagdinig si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Trial Chamber III na naging kuntento sila sa ginawang pagsusuri ng mga experts at sapat ang ebidensiya na may kapasidad ang dating pangulo na makadalo sa pagdinig.

Magpapatupad din ang Trial Chamber III ng kaparaanan para maisagawa ang pagdalo ang dating pangulo sa pagdinig na magsisimula sa Nobyembre 30, 2026.

Magugunitang noong isagawa ang ikatlong status conference noong Setyembre 16 ay hiniling ng abogado ng dating pangulo sa Chamber na kung maari ay magsagawa sila ng dagdag na medical test.

Iginigiit kasi ng abogado ni Duterte na base sa mga nagdaang pagsusuri ay makikitang mayroong pagka-ulyanin na ang dating pangulo.

Sa nasabing desisyon na rin ay inatasan ng Trial Chamber III ang Internation Criminal Court Registry na maghanda para pagdinig.

Inirekomenda ng Registry na ang maaaring makibahagi ang dating pangulo sa pamamagitan ng video conference kung papayagan ito ng Chamber at maari pa rin itong makipag-ugnayan sa kaniyang mga abogado.

Nahaharap ang dating pangulo sa crime against humanity dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga noong termino niya sa pagkapangulo ng bansa at maging alkalde ng lungsod ng Davao.