-- Advertisements --

Kinansela ng beteranang singer na si Dolly Parton ang kaniyang serye ng mga show sa Las Vegas dahil sa karamdaman.

Sa social media account ng 79-anyos na country music icon, pinayuhan siya ng kaniyang mga doktor na ipagpaliban ang mga pagsasagawa ng show.

May mga dadaanan pa itong mga procedure subalit hindi na siiya nagbigay ng anumang mga detalye.

Mayroong anim na show sana itong gagawin sa Las Vegas mula Disyembre 4 hanggang 13.

Ito ang unang show niya sa Las Vegas matapos ang mahigit 30 taon.

Tiniyak naman nito na babalik siya sa mga pagsagawa ng show dahil wala pa itong balak na magretiro sa pagkanta.