-- Advertisements --
Nagpasya ang bandang Cup Of Joe na magkaroon ng ikalawang araw ang kanilang concert.
Ayon sa banda na ang kanilang unang show sa darating na Disyembre 3 ay sold out na.
Dahil sa hirit ng mga fans ay pinagbigyan ng grupo na magkaroon ng ikalawang araw ng konsiyerto sa Disyembre 4.
Gaganapin ang “Symphony” sa Araneta Coliseum.
Makakasama ng grupo ang Orchestra of the Filipino Youth.
Noong Mayo ay nakagawa sila ng kasaysayan na unang OPM act na nagsagawa ng solo concert sa Philippine Sports Stadium.
Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Multo”.















