-- Advertisements --
Patuloy ang paghakot ng record ng bandang Cup of Joe.
Sa kanilang social media account ay nanguna ang kanilang kantang “Multo” bilang most-streamed song sa Spotify.
Umaabot na kasi sa mahigit na 515 milyon plays sa nasabing music platform ang nasabing kanta.
Nahigitan nila ang kantang “Tadhana” ng Up Dharma Down na mayroong mahigit 513 milyon plays.
Pumapangalawa naman sa listahan ang kantang “Isa Lang” ni Arthur Nery.














