-- Advertisements --

Kinansela ng bandang Cup of Joe ang kanilang nakatakdang konsiyerto sa Qatar.

Sa social media account ng banda ay nagkaroon ng problema ang organizers na makakuha ng ilang mga dokumento para isagawa ang konsiyerto.

Nakatakda sanang magtanghal ang grupo sa Qatar noong Pebrero 14 subalit dahil sa insidente ay hindi na ito naituloy.

Bagamat kanselado ang show ay umaasa sila na sa mga susunod na panahon ay matutuloy na ang kanilang show doon.

Humingi na lamang ng paumanhin ang banda sa mga fans nila sa Qatar dahil sa hindi natuloy na konsiyerto.