Hinimok ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga kabataang Pilipino na maging tagapagtanggol ng katotohanan at maging katuwang sa pagprotekta sa sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa kalihim, hindi lamang nakadepende ang kakayahan ng bansa na labanan ang mga panlabas na banta sa lakas ng militar kundi maging sa kamalayan at paninindigan ng publiko.
Kaugnay nito, hinikayat niya ang mga kabataan na maging kinabukasan ng organisasyon, pambansang ekonomiya at future public leaders.
Bukod dito, inengganyo din ng kalihim ang mga kabataan na tumulong na maitaas pa ang kamalayan ng publiko sa mga isyu sa pambansang seguridad at labanan ang maling impormasyon sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan na nakaangkla sa facts at international law.
Ginawa ni Sec. Teodoro ang pahayag sa idinaos na Ilocano Dialogue on the WPS sa Batac City, Ilocos Norte na nakatuon sa pagpapalakas ng pang-unawa ng publiko sa isyu sa WPS at kahalagahan ng naional resilience.
















