Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas 2026 International si Gwendoline Meliz Soriano ng lungsod ng Baguio.
Tinalo ng beauty queen ang 34 na iba pang mga kandidata sa coronation night na ginanap sa Smart Araneta nitong Sabado.
Kasama rin na nakuha ni Soriano ang Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, Binibining Philippine Airlines at Binibining Urban Smiles.
Ipinasa ni Binibining Pilipinas International 2025 Katrina Anne Johnson ang kaniyang korona kay Soriano.
Dahil dito ay kakatawanin ni Soriano ang Pilipinas ang Miss International pageant sa susunod na taon.
Tinanghal naman bilang Binibining Pilipinas 2026 Globe si Sasha-Juli Belle Lacuna ng Tarlac.
Habang nakuha naman ni Julianne Raine Antonio ng Dumaguete ang first Runner-Up at si Tracy Mae Sunio ng Bacolod ang 2nd Runner-Up.
















