Nanawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dapat sa ordinaryong kulungan ilagay si dating house speaker Martin Romualdez sakaling ideklarang fit for detention ng kaniyang mga doktor.
Ayon kay Magalong, hindi dapat magkaroon ng espesyal na detention facility o mga amenity para kay Romualdez at dapat aniyang pareho ang lugar ng kaniyang pagkakakulong sa karaniwang nararanasan ng mga mahihirap na detenido.
Kasalukuyang naka-confine si Romualdez sa isang pribadong ospital sa San Juan City matapos maaresto noong setyembre 7 sa bisa ng warrant ng Sandiganbayan kaugnay ng P7.4-bilyong plunder case sa flood control projects.
Samantala, naghahanda na ang PNP General Hospital sakaling aprubahan ng korte ang paglipat kay Romualdez para sa hospital detention.
Patuloy naman siyang ginagamot para sa ilang iniulat na kondisyon sa puso at iba pang karamdaman.















