-- Advertisements --

Welcome para sa Department of Health (DOH) ang interes ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na imbestigahan ang umano’y maling paggamit ng Medical Assistance for Indigents and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) o tinatawag din bilang MAIP kasunod ng mga reklamong lumabas sa pamamahagi ng mga pondo.

Sa isang statement, sinabi ng DOH na si Secretary Ted Herbosa mismo ang nagsabi na ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng DOH hospitals at payments mula sa PhilHealth ang pinakamainam na paraan para bayaran ang mga gastusin sa ospital.

“Sec Ted even formally requested for a new line item, separate from MAIFIP, to allow direct payments from DOH to LGU hospitals without passing through politicians,” saad ng ahensiya.

Ginawa ng ahensiya ang pahayag matapos sabihin ni Mayor Magalong sa isang panayam sa kaniya na nakatanggap ang Mayor for Good Governance kung saan siya ang lead convenor, ng maraming reklamo kaugnay sa pamamahagi ng MAIP funds.

“Hindi lang diyan sa DPWH natatapos yan, meron pa ‘yan DOH akala nila wala sa front sight namin ‘yan, yan si Ted Herbosa, malapit ka na rin”, saad ni Magalong sa isang panayam.

Kaugnay nito, nakatakda aniyang imbestigahan ng kanilang grupo ang DOH kasunod ng mga alegasyon sa maling paggamit ng pondo, na napaulat na nakasangkapan sa pulitika sa nakalipas na halalan.