-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao matapos na makuryente sa lungsod ng Cebu.
Ayon sa PNP , nagkakabit ng poste ng isang solar light ang anim na katao sa Barangay Lahug, Cebu City dakong alas-10 ng gabi nitong Enero 14.
Hindi napansin ng mga biktima na dumikit ang baka na poste sa isang kable ng kuryente.
Agad na idineklarang dead on arrival ang dalawang biktima habang nasa kritikal na kalagayan ang isa at nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa pa nilang kasama.
Isinasagawa ng mga otoridad ang insidente para malaman kung ano ang pinakasanhi ng pagkakasawi ng mga biktima.
















