-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Gagamitin ni Analou Sedello mula sa Purok 9, Brgy. Los Angeles, Butuan City sa pagpapa-aral sa kanyang mga anak at sa itatayong negosyo, ang kanyang napanalunang ₱50,000 bilang ikatlong regional prize winner sa grand draw ng One-Two Panalo ng Star FM at Bombo Radyo Part 24 promo na isinagawa noong Disyembre 27, 2025.
Labís ang kanyang kagalakan sapagkat ito ang unang pagkakataon na siya’y sumali sa naturang promo, kung saan una siyang nanalo sa unang linggong bunutan at nasundan pa sa grand draw.
Malaki ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal, sa Bombo Radyo Philippines, at sa mga sponsors dahil sa naturang promo na naging daan upang kanyang makamtan ang nasabing tagumpay.
















