BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Police Regional Office-12 Regional Director PBGen Marcial Mariano Magistrado IV sa pamamagitan ng kanyang inilabas na official statement ang naunang kumalat na impormasyong caught on the act ang magkalaguyong pulis na nahuling nagtatalik sa inuupahang silid sa Brgy. Bayanihan, Butuan City.
Lumabas sa isinagawang imbestigasyon na parehong may asawa ang dalawa at aktibong miyembro ng kanilang regional office, na nahuli mismo ng asawa ng babaeng pulis kung kaya’t sinampahan na sila ng kasong adultery at concubinage pati na rin ng kasong administratibo.
Nagbabala si General Magistrado sa lahat ng kanilang mga tauhan na hindi niya palalampasin ang mga kahihiyang gawain na makasisira sa kanilang uniporme at sa reputasyon ng kanilang organisasyon.
Tiniyak din niya sa publiko na walang ibibigay na espesyal na trato sa mga sangkot na kasapi.
















