-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matapos mailibing kahapon si Rene Clert ‘Bobet’ Baterbonia, taon-taon nang gugunitain ng kanyang mga kababayan sa Talacogon, Agusan del Sur ang araw ng kanyang kamatayan, ang Hunyo otso.

Ito’y matapos maipasa ang municipal resolution na nagdeklara sa Hunyo 8 bilang “Rene Clert ‘Bobet’ Baterbonia Day” bilang pagbigay-pugay at pagsariwa sa legasiyang kanyang iniwan na syang daan na nakilala ang kanilang bayan sa buong bansa, pati na sa iba pang parte ng mundo.

Ito ay iba pa sa pagkilala naman sa kanya ng probinsyal na pamahalaan bilang sports icon ng lalawigan o ‘AgSurnon sports icon’ na emosyunal namang ibinahagi ni Agusan del Sur 1st District Rep Alfel Bascug.

Ayon sa kongresista, hindi matutumbasan ang ibinigay na dangal ni Bobet sa kanilang lalawigan dahil sa maganda nitong asal, mapagkumbaba at abilidad sa paglalaro ng basketball.