BUTUAN CITY – Abot-langit ang pasasalamat ng 39-anyos na si Sheryl Tiologo, residente sa Purok 6, Sitio Matin-ao, Brgy Bonbon, nitong lungsod ng Butuan matapos nitong matanggap kanina ang napanalunang isang milyong pisong grand prize ng Buena Mano Salvo Year 20 Promo ng Bombo Radyo at Star FM.
Gumamit ng URC Mister Chips ang ika-81 milyunaryo ng Bombo Radyo Philippines bilang proof of purchase.
Sa wakas ay matutupad na ang pangarap ng kanilang pamilya kasama na dito ang pagbibigay ng 10-porsientong offering sa kanilang simbahan.
Maliban pa ito sa bibilhin nilang sasakyan upang may magamit sa linggo-linggong discipleship sa kanilang simbahan upang hindi na sila gaanong gagastos ng mahigit isang libong piso para lamang sa kaluwalhatian ng Panginoong Diyos.
Ayon sa ika-81 miyembro ng Bombo Millionaire’s Club, anim na taon na siyang sumasali sa mga promos ng Bombo Radyo Philippines kungsaan sa pinakahuling Buena Mano Salvo promo ay hiniling lamang umano niyang manalo ng isang libong piso ngunit sobrang laki ang ibinigay ng Panginoon sa kanya.
Dahil dito’y may magagamit na sila na pantapos sa kanilang bahay at karagdagang puhunan sa kanilang sakahan na ang mga produkto ay ang kanilang negosyo.
















