-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hinihinatay nalang sa ngayon ni Julito Mesa, tubong Iligan City at nakatira na ngayon sa Samar ang resulta sa inaplayang titulo sa Guinness Book of Records dahil sa kaniyang paglalakad sa buong Pilipinas.

Ayon kay Mesa nang nakarating ito sa Butuan City, pitong buwan at 25 araw na siyang naglalakad galing sa Aparri, Cagayan kungsaan target niyang malibot ang buong bansa sa loob ng isang taon at kalahati ngunit kung hindi makaya ay seguradong aabot nang dalawang taon.

Inihayag pa nito na taong 2024 lamang siya nagsimula sa paglalakad kungsaan apat na beses na niyang nilakad ang Samar hanggang Manila at nakapaglakad rin siya sa Samar hanggang Baguio City.

May kuha umano siyang video sa bawat barangay o bayan na kanilang maabutan.

Hinamon rin nito ang maka-upload ng video na sumakay siya at kaniya itong gagantimpalaan ng 50,000 pesos.

Inihayag nito na nag-apply siya sa Guinness Book Of world Record sa nakaraan lamang buwan at hinihintay pa ang resulta.