Inilabas na ng US Central Command ang pagkakakilanlan ng apat sa anim na mga sundalo nila na nasawi dahil sa pag-atake ng Iran.
Nasawi ang mga ito ng tamaan ng hinihinalang drone ng Iran ang command center ng US sa Port Shuaiba, Kuwait nitong araw ng Linggo.
Una ng sinabi ng US Central Command na mayroong tatlong sundalo ang nasawi sa atake subalit pagdating ng Lunes ay ito ay nadoble.
Isa sa mga sundalo na dinala sa pagamutan ang namatay dahil sa tindi ng pinsala sa katawan nito at dalawang iba pa ang narekober sa mga gumuhong gusali.
Ang apat na nasawi ay pawang mga US Army Reserve na sundalo ay kinilalang sina: Capt Cody Khork, 35-anyos; Sgt Noah Tietjens, 42; Sgt Nicole Amor, 39, at Sgt Declan Coady, 20.
Si Khork na isang residente ng Florida ay nauna ng naitalaga sa Saudi Arabia, Guantanamo Bay at sa Poland.
Habang si Amor na taga Minnesota, ay una ng naideploy sa Kuwait at Iraq habang si Tietjens na Nebraska resident ay dalawang beses na naitalaga sa Kuwait.
Si Coady ay nagpalista bilang Army Reserve noong tatlong taon ang nakalipas na residente ng Iowa.
















