-- Advertisements --
Tinapos na ng House of Representatives ang delibarasyon at sponsorhip ng mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para sa 2026 National Budget.
Pasado alas-12 ng hatingggabi nitong Oktubre 3 ng matapos at ang huling sumalang ay ang deliberasyon para pondo ng special purpose fund o budget ng Lumpsum funds ng 2026.
Mayrong kabuuang P6.793-trillion ang national budget proposal para sa taong 2026.
Magugunitang noong Setyembre 22 ng magsimula ang deliberasyon ng budget proposal ng iba’t-ibang ahensiya.
Sa darating ng Oktubre 10 ay itinakda ang period of amendments ng House Bill 4058 o ang 2026 General Approprations Bill o GAB.
Target din ng Kamara na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang GAB sa Oktubre 13.