Ipinahayag ni House Committee on Higher and Technical Education Chair Jude Acidre ng TINGOG Party-list ang kaniyang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng pahayag na malapit nang matapos ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay Acidre, batay sa mga natapos na pagsusuri at rekord ang naging pagtatasa ng ICI, at hindi ito nakabatay sa mga haka-haka o numero lamang.
Tiniyak niyang hindi nito isinasara ang posibilidad ng karagdagang aksyon sakaling may bagong ebidensyang lumitaw.
Pinabulaanan din niya ang alegasyong iniiwasan ng administrasyon ang katotohanan, at iginiit na ang pananagutan ay dapat nakabatay sa ebidensya.
Binigyang-diin ni Acidre na ang tamang hakbang ngayon ay hayaang gampanan ng Office of the Ombudsman at Department of Justice ang kanilang konstitusyunal na mandato.
Nagpahayag din siya ng tiwala kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa laban kontra katiwalian.
















