-- Advertisements --

Nasa Palasyo lamang ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at may mga nakalinyang mga private meetings.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez.

Sa isang mensahe sinabi ni Gomez, na walang iskedyul sa labas ng Palasyo ang Pangulo.

Hindi naman binanggit ni Gomez sinu-sino ang mga ka meeting ngayong araw ng Punong Ehekutibo.

“Puro private meetings lang sa palace,” mensahe ni Gomez sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Hindi tumuloy si Pangulong Marcos sa Ilocos Norte ngayong araw kung saan pangungunahan sana nito ang paglulunsad ng PBBM-GABAY ng Bayan Programs.

Ito ay dahil pinayuhan muna siya ng kaniyang mga doctor na magpahinga.

Kung maalala isinugod ang Pangulo sa hospital matapos makaranas ng matinding sakit ng tiyan dahil sa diverticulitis.

Inatasan ng Pangulo ang kaniyang anak na si House Majority Leader Sandro Marcos na kumatawan sa kaniya sa nasabing event.