Nakatakdang umuwi na ng Pilipinas ang 37 mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) mula sa Dubai bilang bahagi ng repatriation efforts ng pamahalaan sa pangunguna yan ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ito na ang ikapitong flight mula sa Dubai sa United Arab Emirates (UAE) na siyang maguuwi ng mga manggagawang Pilipino na nagp-ahayag ng kanilang kagaustuhang umuwi ng bansa.
Aniya, katuwang nila rito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang matiyak na ligtas na makakabalik ng bansa ang mga OFW’s sa gitna yan ng ongoing armed conflict sa Gitnang Silangan.
Sa kabuuan, umabot na sa higit 300 mga manggagawang Pilipino ang naiuwi ng anim na flights mula sa UAE matapos ang pagpapatupad ng kanseladong mga flights simula Peberero 28.
Samantala, tiniyak naman ni Cacdac na prayoridad ngayon ng pamahalaan repatriation ng iba pang mga kababayang naiipit sa giyera habang pinaplano rin ang pagsasagawa ng isang land evacuation sa mga OFW’s sa Israel, Bahrain, Kuwait at Qatar na siyang kasalukuyan pa ring nakasarado ang airspace hanggang sa ngayon.
















