-- Advertisements --

Hindi na matatanggap pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na umabot pa sa P60 ang halaga ng isang dolyar.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, na magkakaroon ng negatibong epekto ito dahil tiyak na tataas ang utang ng bansa.

Nagkaroon na ng pulong ang Pangulo at ang mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan isa sa mga tinalakay ang halaga ng Piso kontro Dolyar.

Magugunitang noong Enero 15 ay pumalo sa record high na P59.46 ang palitan sa $1.