-- Advertisements --

Nagbaba ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ukol sa patuloy na lumalakas pang El Niño nasa kasalukuyang aktibo sa tropikal na rehiyon ng karagatang Pasipiko.

Ayon sa kasi sa mga ekspertong obserbasyon, nakatakda itong mag-intensify at tumungtong sa ‘very strong’ category sa nalalabing buwan ng 2026 bago ito maranasan sa unang kalahati ng 2027.

Bunsod nito, mataas ang tyansang makaranas ng dry spells, tagtuyot, at ang pagbaba ng supply ng tubig sa bansa na maaaring maging dagok hindi lamang sa sektor ng agrikultura, ngunit maging sa ekonomiya, enerhiya, at kalusugang sektor.

“Climate information must be utilized before a crisis strikes,” paghihikayat ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato U. Solidum Jr. sa lokal na pamahalaan.

Aniya, kinakailangan na mga apektadong ahensiya na proaktibong tumugon upang mapaghandaan ang nalalapit na hagupit ng El Niño.

Gayunpaman, inaasahan pa rin ang ilang mga pabugso-bugsong pag-ulan sa bansa bagama’t may banta ng El Niño dahil kasalukuyan pang aktibo ang Habagat at ilan pang mga bagyo na maaaring maranasan partikular sa kanlurang bahagi ng bansa.

Sinigurado naman ni PAGASA Administrator Dr. Nathaniel V. Servando na patuloy na nakabantay ang ahensiya sa kundisyon ng El Niño. Nakatuon din ang ahensiya na maglabas ng regular na updates ukol dito.