-- Advertisements --

Nagpapatuloy ang serye ng mga lindol sa karagatang sakop ng Sultan Kudarat na nagsimula nitong Enero 2026.

Ayon sa Phivolcs, umabot na sa 765 na lindol ang naitala hanggang alas‑6 ng umaga, Enero 23.

Sa kabuuan, 234 ang na‑plot o natukoy ng higit sa dalawang monitoring device at 30 ang naramdaman ng mga residente sa Lebak at Kalamansig.

Ang lakas ng mga pagyanig ay nasa pagitan ng Magnitude 1.4 hanggang 5.2, na bagama’t hindi malakas ay nagdulot ng pangamba.

Pinapaalalahanan ng mga otoridad ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.

Patuloy namang nagbabantay ang Phivolcs at inaasahang magbibigay ng karagdagang update sa mga susunod na araw.