-- Advertisements --

Nagpatupad ng bawas presyo ang kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG).

Kaninang 12:01 ng umaga nitong Oktubre 1 ng ipinatupad kumpanyang Petron ang P1.00 na bawas sa kada kilogram ng LPG.

Nanganghulugan ito ng P11.00 sa kada 11 kg. na cylinder na LPG.

Habang ang Solane ay ipinatupad ang P0.65 na bawas sa kada kilogram na LPG o katumbas ng P7.15 sa kada 11 kg. na tangke ng LPG.