-- Advertisements --

Nirerespeto ng Office of the President ang desisyon ng Korte Suprema na ipagpaliban ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Sa inilabas na ruling nitong September 30, idineklara ng Supreme Court na labag sa Saligang-Batas ang mga redistricting law na ipinasa ng Bangsamoro Transition Authority.

Dahil dito, hindi na matutuloy sa October 13 ang nakatakdang halalan.

Iginiit naman ng Palasyo ang commitment na pangalagaan ang peace process, patatagin ang democratic institution, at tiyakin ang political rights ng mga mamamayan sa rehiyon.

Tiniyak din ng Marcos administration ang buong suporta sa mga institusyong may mandato sa ilalim ng Konstitusyon upang matiyak na maisasakatuparan ang mga demokratikong mithiin ng mamamayan ng Bangsamoro, alinsunod sa Konstitusyon at sa Bangsamoro Organic Law.

Binigyang-diin ng Palasyo na hindi natitinag ang pangako na pangalagaan ang proseso ng kapayapaan , patatagin ang mga democratice institution at ipagtanggol ang mga karapatang pampulitika ng lahat ng mamamayan sa bangsamoro.