Isinusulong ngayon ang pagsama sa tinatawag na “super wet at super dry season” sa climate cycle na babantayan sa ating bansa.
Ayon kay Climate Change Commission (CCC) Senior Commissioner Albert dela Cruz, hindi na lang panahon ng tag-init at tag-ulan ang umiiral sa bansa na naobserbahan sa mga nakaraang taon.
Sinabi ng opisyal na bukod sa “dry” and “wet” season, dapat na ring ikonsidera ang “super dry” at “super wet” season para sa pagbuo ng mga polisiya na may malaking impact sa pagtugon sa problema ukol sa panahon.
Sinabi ng CCC na makikipag-ugnayan sila sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration hinggil dito, pati na sa iba pang sangay ng pamahalaan.
Kung dati raw kasi ay karaniwang baha lamang kapag tag-ulan, may mga pagkakataon ngayon na buong buwan nang binabaha ang ilang parte ng bansa.
Habang kapag tag-init naman ay talagang subrang natutuyo ang lupa ng mas mahabang bilang ng mga araw.
















