-- Advertisements --
Nagpadala ng mga bumbero ang European Union sa Spain para tuluyang maapula ang wildfires.
Ang nasabing tulong ay kasunod ng pagkakatala ng tatlong katao na ang nasawi dahil sa wildfire.
Ibinabala pa ng Aemet ang weather agency ng Spain na kakalat pa rin ang wildfire ng hanggang sa susunod na linggo dahil sa matinding init ng panahon.
Ang Spain ay siyang pang-limang bansa sa Europa na humingi na ng tulong para labanan ang wildfire.
Magugunitang ilang daang hektarya na ng lupain ang nasunog sa bansang Greece dahil na rin sa wildfire.