Inanunsiyo ng Spain ang paggawad ng legal status sa kalahating milyong hindi dokumentadong migrante.
Layunin ng naturang hakbang na mabawasan ang labor exploitation sa underground economy ng Spain.
Ayon kay Spain immigration minister Elma Saiz, isa itong makasaysayang araw para sa kanilang bansa at sinabing kanilang papalakasin ang migration model na nakabase sa mga karapatang pantao at akma sa paglago ng ekonomiya at pagkakaisa ng lipunan.
Aniya, kailangan ang bagong hakbang para tugunan ang reyalidad sa mga lansangan at magbenepisyo sa ekonomiya ng kanilang bansa.
Kabilang sa mga mabibigyan ng legal status ay ang mga dayuhang dumating sa Spain bago ang Disyembre 31, 2025 at may patunay na naninirahan sa bansa sa loob ng limang buwan. Kailangan ding patunayan na wala silang criminal record.
Pagkakalooban ang mga ito ng hanggang isang taong legal residency at work permits na may bisa para sa anumang sektor at sa buong bansa.
Bukas ang aplikasyon mula sa simula Abril 1 hanggang Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Lumalabas sa isang pag-aaral, mayroong tinatayang 840,000 undocumented immigrants sa Spain sa simula ng 2025. Karamihan sa kanila ay mula sa Latin America, sinundan ng Colombia, Peru at Honduras.
















