-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga bansang nag-boycott sa 2026 Eurovisioin Song Contest dahil sa pagsali ng Israel.

Pinakahuling bansa ang Iceland kung saan makakasama na nila ang Spain, Ireland, Slovenia at the Netherlands na umatras.

Hindi sila sang-ayon na isama ang Israel dahil sa patuloy na ginagawa nitong pag-atake sa Gaza kung saan maraming mga inosente ang nasawi.

Sinabi naman ni Eurovision director Martin Green na kanilang nirerespeto ang mga pasya ng bansa na umatras.

Dagdag pa nito na handa naman sila na tanggapin muli ang mga ito kung magpasya silang bumalik.