-- Advertisements --

Muling umapela si Pope Leo XIV sa mga lider ng bansa sa Gitnang Silangan na magkaroon ng pag-uusap para matapos na ang kaguluhan.

Ayon sa Santo Papa, na dapat ang mga responsable sa kaguluhan ay isipin ang maling kahinatnan ng giyera.

Magkaroon dapat ng ceasefire na sundan agad ng pag-uusap para wala ng buhay pa na masira.

Inihalimbawa pa ng Santo Papa ang nangyaring giyera sa Lebanon kung saan maraming buhay ang nawala at nasira ang maraming mga ari-arian.

Magugunitang makailang ulit ng nananawagan ang Santo Papa sa mga lider ng Israel , US at Iran na tigilan na ang labanan dahil sa dumaraming mga naapektuhang mga bansa.