-- Advertisements --

Naglabas ang World Health Organization (WHO) ng ika-59 na ulat ukol sa multi-country outbreak ng monkeypox o Mpox, na nagsasaad ng patuloy na pagkalat ng virus (MPXV) sa buong mundo.

Umabot sa 3,135 kumpirmadong kaso at 12 nasawi ang naitala noong Setyembre sa 42 bansa, kung saan higit 80% ay mula sa rehiyon ng Africa.

Labing-pitong bansa sa Africa ang may aktibong transmisyon, kabilang ang Democratic Republic of the Congo, Liberia, Kenya, at Ghana.

Iniulat din ang unang kaso ng clade Ib MPXV sa Malaysia, Namibia, Netherlands, Portugal, at Spain, pati na rin ang lokal na transmisyon sa anim na bansa sa labas ng Africa.

Sa kabila ng pagtaas ng kaso sa ilang rehiyon, nananatiling mababa ang panganib sa pangkalahatang populasyon, ayon sa WHO.