-- Advertisements --

Matagumpay ang comecback effort ni Filipina tennis star Alex Eala kontra kay Shihomi Li Xuan Hong, ang Malaysian tennis player na kasalukuyang No. 145 sa International Tennis Federation (ITF) Junior Ranking.

Sa unang bahagi ng laban ay nahirapan pa si Eala at dinanas ang 0-2 deficir.

Gayonpaman, unti-unting bumangon ang Filipina at sa sumunod na isang oras at 40 minuto ay dinumina na niya ang naturang laban at tinapos ito sa 6-3, 6-1.

Ito ang opening match para sa Pinay tennis star at tiyak na ang kaniyang bronze medal, kasabay ng pag-usad sa semifinals.

Ang Guadalajara Open Champion ang pambato ng Pilipinas sa 33rd SEA Games Women’s Singles Tennis event. Ginanap ang naturang laban sa National Tennis Development Center sa Thailand. (Report by Bombo Genesis)