-- Advertisements --

Mainit na sinasalubong ng mga manonood sa Rizal Memorial Sports Complex sa kanyang mga laban ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala para sa Philippine Women’s Open.

Halos maubos ang mga tiket dahil sa dami ng fans na nais makita ang 20-anyos na tennis star ng Pilipinas.

Sa pagtatanong ng Bombo Radyo sa mga supporters ni Alex, sinabi nilang kahanga-hanga ang pagiging consistent nito na buhos ang effort sa bawat event.

Nararamdaman naman ni Eala ang pride, pressure, at privilege ng pagdadala ng bandila ng bansa sa isang bihirang pagkakataon, kung saan ang tennis ay nasa sentro ng atensyon.

Bagama’t naantala ng higit isang oras ang huli niyang laban dahil sa mahabang naunang mga laro, nanatiling masigla at kapanapanabik pa rin ang pagtrato nito sa mga manonood.

Itinampok sa paligsahan ang temang “Our moment to shine”, na tumutugma sa pag-usbong ni Eala bilang bagong mukha ng Philippine tennis.

Sa kabila ng presensya ng iba pang manlalaro, si Eala ang naging pangunahing agaw-pansin na inaabangan ng publiko.

Ang kanyang paglahok ay hindi lamang laban sa tennis court kundi pagpapakita ng dedikasyon at inspirasyon para sa mga Pilipino na naniniwala sa kakayahan ng kabataan sa pandaigdigang entablado.

Inaasahan naman ng Tennis Association na makakatulong ito upang lumakas ang nasabing laro sa mga kabataang Pinoy.