Sasabak agad sa panibagong international tennis tournament ang Pinay tennis player na si Alex Eala matapos ang kaniyang laban sa Philippine Women’s Open.
Nakatakdang lumaban ang 20-anyos na Pinay sa Mubadala Abu Dhabi Open, isang Women Tennis Association (WTA) 500 tournament.
Magsisimula ang naturang turneyo sa Pebrero-1 hanggang a-7, 2026.
Ilan sa mga bigatin at world-class tennis star na sasabak sa naturang turneyo ay sina Leylah Fernandez (Canada), Maya Joint (Australia), Victoria Mkobo (Canada), kasalukuyang Australian Open finalist Elena Rybakiba atbpa.
Kung babalikan ang huling laban ni Alex sa Philippine Tennis Open nitong Enero-30, bigo siyang paluhurin ang kaniyang Colombian opponent na si Camila Osorio para umusad sana sa semifinals ng naturang turneyo.
Sa kasalukuyan, hawak ni Eala ang ika-49 na puwesto sa Women Tennis Association at nagawa niya itong panatilihin sa loob ng ilang buwan.
















