-- Advertisements --

Maghaharap na ngayong araw (Jan. 30), ang apat na international tennis players para sa semifinals ng kauna-unahang Philippine Women’s Open.

Kinabibilangan ito nina Russia star Tatiana Prozorova, Croatia star Donna Vekic, Argentinian player Solana Sierra, at Colombian ace Camila Osorio.

Ang apat na nabanggit na player ay ang nalalabi mula sa kabuuang 32 players na nakibahagi sa turneyo na unang nagsimula nitong Enero-26, 2026.

Batay sa inilabas na schedule ng laban, unang maghaharap sina Prozorova at Vekic, dakong alas-3 ng hapon. Susundan ito ng laban nina Sierra at Osorio.

Parehong gaganapin ang dalawang match sa center court ng Rizal Memorial Tennis Center, Manila.

Gaganapin naman ang finals bukas (Jan. 31), na hudyat ng pagtatapos ng naturang turneyo.