Tiniyak ng pamunuan ng Department of Human Settlements and Urban Development na magpapatuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa lahat ng mga Homeowners Association sa buong bansa.
Ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos na Jr. na siguruhing mailalapit sa bawat Pilipino ang serbisyo ng gobyerno na nararapat para sa kanila.
Ginawa ni Supervising Senior Undersecretary Sharon Faith Paquiz ang pahayag sa isinagawang unang townhall meeting.
Nakasama ng DHSUD sa naturang pagpupulong ang Fairway View Homeowners Association kung saan ginanap ito sa Dasmariñas, Cavite.
Dumalo rin sa naturang pagtitipon ang nasa mahigit 180 residente.
Tinalakay sa meeting ang ilang mga hakbang para sa muling pagpaparehistro ng Homeowners Association sa ahensya.
Una nang sinabi ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling na magpapatuloy ang pagbaba ng kanilang tanggapan sa mga komunidad na layong palakasin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders.













