Tiniyak ng pamunuan ng Department of Human Settlements and Urban Development na kanilang palalakasin ang mga serbisyo para sa susunod na taon.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, ang mga serbisyong ito ay pakikinabangan ng mas maraming Pilipino lalo na ang ligtas at abot kayang pabahay
Ipinagmalaki rin ni Aliling ang naging malawakang reporma at mga hakbang upang mapalawak ang pambansang pabahay ngayong taon.
Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ang mga Pilipino ng disente at abot-kayang pabahay.
Sa naging pamumuno ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, naipatupad nito ang 8-Point Agenda.
Ito ay naka focus sa kolaborasyon kasama ang mga urban poor groups, private developers, at maging ang mga local government units .
















