-- Advertisements --

Hiniling ng magkakapatid na Duterte sa Korte Suprema na utusan ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na ayusin ang pagpapa-uwi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinumite nina Vice President Sara Duterte, Paolo Duterte, Veronica “Kitty” Duterte, at Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang ka nilang memorandum sa Korte Suprema bilang bahagi ng consolidated petitions ukol sa pagkakaaresto sa dating pangulo.

Sa petisyon na Rep.Paolo Duterte sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Harry Roque, na hindi makatarungan at unconstitutional ang pagkakakulong sa dating pangulo.

Isa umano itong maituturing na aktual na kaso o kontrobersiya na dapat ay resolbahin ng Korte Suprema.

Maari din aniyang ideklara ng Korte Suprema na iligal at unconstitutional ang ginawang pag-aresto sa dating pangulo.

Magugunitang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si Duterte mula pa noong Marso 2025 dahil sa kasong crimes against humanity na may kinalaman sa kampanya nito sa iligal na droga noong ito ay namumuno bilang pangulo at bilang dating alkalde ng Davao City.