-- Advertisements --

Nakamit ng Filipinas ang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Thailand.

Tinalo ng womens football team ng bansa ang four-time defending champion na Vietnam sa finals na ginanap sa Chonburi Daikin Stadium sa score na 6-5.

Itinuturing na ang game-winning penalty shootout ni Olivia McDaniel ang nagligtas sa Filipinas para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng womens’ football ng bansa.

Nagsimula ang kampanya ng Filipinas ng talunin sila ng Myanmar 2-1 pero bumawi sila sa unang paghaharap laban sa Vietnam 1-0.

Tinalo din ng Filipinas ang Malaysia 6-0 para makausad sa semifinals kung saan tinalo nila ang Thailand 4-2.