-- Advertisements --
Naitala ng Pilipinas ang pinakamaraming medalya na nahakot sa katatapos na 13 th ASEAN Para Games.
Mayroong kabuuang 45 golds, 37 silvers at 52 bronze medals ang kanilang nakamit sa torneo na ginanap sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Nahigitan nila ang nakamit ng bansa noong 2023 sa Cambodia na mayroong 34 golds, 33 silvers at 50 bronze medals.
Itinuturing ni Chief of mission Goody Custodio na ang galing ng mga atletang lumahok kaya nakahakot ng ganoong karamai ang bansa.
Sa nasabing torneo ay nagkampeon ang Thailand matapos ang 11 taon kung saan mayroong 135 golds, 144 silvers at 114 bronze medals ang kanilang nakamit.
















