Opisyal nang kinilala sina Nicole Borromeo at Apriel Smith bilang mga kinatawan ng Cebu para sa Miss Universe Philippines 2026.
Nitong Linggo, nasashan si Nicole bilang Miss Universe Philippines – Cebu Province 2026, habang si Apriel naman ay tumanggap ng titulong Miss Universe Philippines – Cebu City 2026 sa isang announcement ceremony.
Si Nicole ay dati nang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International 2023, kung saan nakuha niya ang third runner-up.
Samantala, si Apriel ay nakipagkompetensya sa Miss Universe Philippines 2020, kung saan umabot siya sa Top 16.
Isa pang beauty queen na bumabalik sa kompetisyon tulad ni Bella Ysmael, na pinangalanang Miss Universe Philippines – Taguig.
Siya rin ay lumahok sa Miss Universe Philippines 2020 bilang kinatawan ng Parañaque City.
Ang kasalukuyang Miss Universe Philippines ay si Ahtisa Manalo mula sa Quezon Province, na nagrepresenta sa Pilipinas sa Miss Universe 2025 at nagtapos bilang third runner-up.










