-- Advertisements --

Tinanggal ng Miss Universe Philippines (MUPH) Organization ang isa sa mga kandidata nito para sa 2026 pageant matapos ang isinagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y hindi angkop na inasal ng kandidata.

Screengrab from MUPH /FB

Sa inilabas na pahayag ng MUPH, sinabi ng organisasyon na nakatanggap sila ng mga reklamo laban sa naturang kandidata.

Sumailalim ito sa masusing review, at nabigyan na rin ng parehong verbal at written letter upang maitama ang kanyang pag-uugali.

Gayunpaman, ayon sa MUPH, nagpatuloy pa rin umano ang ilang kilos ng nasabing kandidata na hindi naaayon sa kanilang pamantayan ng respeto at propesyonalismo.

Dahil dito, napagdesisyunan ng organisasyon na hindi na papayagang magpatuloy ang nasabing kandidata sa kompetisyon. Hindi naman isinapubliko ng MUPH ang pangalan ng tinanggal na kalahok, gayundin ang eksaktong detalye ng insidente.

Binigyang-diin ng organisasyon ang kanilang layunin na mapanatili ang isang maayos at positibong kapaligiran para sa lahat ng kalahok.

Mula sa orihinal na 51 kandidata, nasa 50 na lamang ang maglalaban sa patimpalak. Gaganapin ang coronation night sa Mayo 1 sa Mall of Asia Arena.