-- Advertisements --

Asahan ang pagtaas ng presyo ng pamasahe sa mga eroplano sa susunod na buwan.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na ipapatupad nila ang Level 17 na fuel surcharge na magsisimula sa Oktubre 1 hanggang 15.

Ito ay mas mataas sa Level 14 na ipinatupad mula Setyembre 16 -30.

Sa Level 17 ay asahan ang pagtaas mula P559 hanggang P1,635 kada pasahero para sa domestic flights habang mula P1,846.10 hanggang P13,726.58 para sa international flights.

Ang fuel surcharges ay tumutulong sa mga airline companeis dahil sa fluctuations sa oil prices na ipinapatong sa base fares.